Sunday, March 04, 2007 kim.. ang sigarilyo ni selya mala desperate housewives ang dating niya ginawa ko siya para sa filipino ko.. heheeh.. Ang Sigarilyo Ni Cecilia Arnie Gaile N. Flores Madilim na ngunit nasa sala pa rin at nakaupo sa malambot na sofa si Cecilia na humihithit ng sigarilyong “imported” . Tila balisa siya habang tumitingin sa pintuan. Sa wakas dumating na rin ang kanyang hinihintay, sabay ng pagkatok sa pinto na narra ay ang pagtayo ni Cecilia mula sa sofa. Binuksan niya ang pintuan. “ Bakit ngayon ka lang? anong oras na?”usisa niya sa dumating. “ Maraming trabaho sa opisina, akala ko ba tumigil ka na sa paninigarilyo?”sabi ng lalaking naka suit. Batid ni Cecilia na ang kanyang asawa ay pagod na kaya tinanong niya ito muli “Kumain ka na ba Julio?” Tumango lang si Julio at nagtungo na sa kanilang kwarto. Sumunod si Cecilia sa kwarto, hindi maitago sa kanyang mukha ang pag-aalala sa asawa. Habang nag tatangal ng damit si Julio ay tahimik na humiga si Cecilia sa kanilang kama, na pinagsamahan nila ng sampung taon, pilit niyang ipinipikit ang kanyang mata upang makatulog. Habang si Julio ay naghahanda na upang maligo bigla siyang napalingon sa asawa “ Siya nga pala kaarawan ng anak ni pareng George bukas ikaw na lang ang pumunta at may aasikasuhin pa ako bukas. Hindi mapigilan ni Cecilia ang Sarili kaya siya ay bumangon “ Hindi mo ba ako sasamahan?, kailan ba tayo huling nagkasama sa isang okasyon? “ tanong ni Cecilia sa asawa. “ Cecilia, ano ka ba naman party lang yun, pag-aawayan pa natin? Kung ayaw mo pumunta sige wag ka pumunta.” Agad umalis si Julio upang maligo. Hindi niya nakita ang asawa na lumuha, tiniis ni Cecilia ang pagiging malamig sa kanya ni Julio. Kinuha ni Cecilia ang kanyang bag at muling tinitigan ang mga litrato na natangap niya kaninang umaga. Sinubukan niyang itago sa asawa ang nararamdaman niyang sakit, ngunit hindi niya na kaya. Kinabukasan maagang umalis si Julio. Humalik siya kay Cecilia at sinabing “ Gagabihin na ako ng uwi, matulog ka na wag mo na akong hintayin,” tumingin lamang sa kanya si Cecilia. Umalis si Julio sakay ng kanyang magarang BMW. Pagkaalis ni Julio agad na pumasok si Cecilia sa kanilang bahay. Kinuha niya ang kanyang kaha sigarilyo at lumabas muli upang tignan ang kanyang mga Orchids. Walang anak sina Cecilia at Julio dahil hindi pwedeng magkaron ng anak si Julio, silang dalawa lamang ang nakatira sa malaking mansyon. Dalawang katulong ang mayroon sila, ang isa ay lingguhang umuuwi. Hindi itinigil ni Cecilia ang paninigarilyo, tila nararamdaman niya na napapanatag siya sa bawat hithit ng sigarilyo. Naalala niya ng una silang magkita ni Julio, natatandaan niya ang mga mapanuyong salitang ginamit ni Julio upang masuyo siya. Naalala din niya ang kanilang pangarap, pangarap na tila hindi nila maabot, kung hindi siya gagawa ng paraan. Naalala niya lahat, dahil sinusubukan niyang isipin kung ano ang kanyang naging pagkakamali. Dali-daling tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Nang mapanatag ang kanyang loob bumalik na siya sa loob ng bahay. Pumasok siya sa kanilang kwarto at agad kinuha ang isang kahon na matagal ng tinago ng kanayng asawa, binuksan niya ang kahon at kinuha ang laman nito na walang pag-aagam agam. Gabi na, malamig ang paligid, nasa malambot na sofa na naman si Cecilia habang humihithit ng sigarliyo na sinabayan niya naman ngayon ng alak. Sa bawat hithit at lagok ni Cecilia, ay luha dahil sa kalituhan at sakit na kanyang nararamdaman. Sa wakas dumating na ang kanyang hinihintay, sabay ng pagkatok sa pinto ay ang pagtayo niya mula sa sofa. Binuksan niya ang puintuan “ Bakit ngayon ka lang? Anong oras na?”tanong ni Cecilia. “Maraming trabaho sa opisina, di ba sabi ko matulog ka na?”sagot ni Julio. “ Kumain ka na ba Julio?” tanong ni Cecilia. Tumango ang asawa at umakyat na sa kanilang kawarto. Sumunod si Cecilia at humiga na sa kanilang kama. Sa pagpikit ni Cecilia ay bigla siyang napaluha. Nagtatangal na ng damit si Julio upang maligo, tinanong niya ang asawa “ Cecila pumunta ka ba sa party?” napabangon si cecilia at sumagot “ hindi na ako pumunta.” Nagpakita ng pagka desmaya ang asawa ng paalis na ito upang maligo. “ Mahal mo pa ba ako?” tanong ni Cecilia. Pagharap ni Julio sa kanya nakita niya ang asawa na may hawak na rebolber na nakatutok sa kanya agad niya nabatid na sa kanya ang baril na iyon. “ Cecilia anong ginagawa mo? Ano ibig mo sabihin.” Natatakot na tanong ni Julio. Ibinato ng buong galit ni Cecilia ang mga litrato kay Julio, ang mga litrato kung saan may kasama siyang ibang babae at hinahalikan niya ito. Hindi nakapagsalita si Julio, dahil may katotohanan ang mga larawan na iyon. Habang itinututok sa kanya ni Cecilia ang baril “ Lahat ng mga kakulangan mo tiniis ko, pati ang pagiging inutil mo, wala kang narinig sa akin, naging napaka buti ko, ganoon kita kamahal” sumagot agad si Julio “ Makinig ka sa akin, maayos pa natin ito patawarin mo ako, yang babaeng yan kakalimutan ko siya, lahat gagawin ko, sabihin mo sa akin paano mo ako mapaptawad, mahal na mahal kita, patawarin mo na ako”. Natigilan silang dalawa ngunit, hindi matigil ang pag-agos ng luha sa mata ni Cecilia “ Mahal din kita, mahal na mahal, kaya pinapatawad na kita, mahal na mahal kita Julio, kung magpapakasal ako ulit ikaw pa rin ang pakakasalan ko sobra sobra ang pagmamahal ko na handa kitang ibigay sa kanya dahil mukhang mas masaya ka sa piling niya, pero hindi ko kayo kayang makita magkasama dahil mamamatay ako sa sobrang selos, mababaliw ako…. Ganoon kita kamahal, tandaan mo lang lagi na mahal na mahal kita, salamat sa sampung napakagandang taon” dahan dahang itinutok ni Cecilia ang baril sa kanyang sintido, habang umiiyak siya pinipilit niyang ngumiti dahil inaalala niya ang mga pinagsamahan nila ni Julio. Walang magawa si Julio kung hindi panoorin ang asawa at magsisisi “ Cecilia Wag… mahal na mahal kita patawad.” Naisip ni Julio lahat ng kabutihan ng asawa niya, nasayang ang lahat ng pag-ibig na iniaalay sa kanya ni Cecilia dahil sa kanyang kalapastanganan. Hindi na niya napigil si Cecilia, ipinutok ni Cecilia ang baril sa sa sarili. Agad siyang bumagsak sa kanilang kama. Doon lang nabatid ni Julio ang kanyang kahangalan, hindi niya naisip na masasaktan ang kanyang asawa. Agad diyang tumakbo patungo sa asawa niya at niyakap ito “ Cecilia anong ginawa mo, hangal ka talaga, mahal kita naguluhan lang ako. Mahal na mahal kita, paano ako mabubuhay ngayon, paano? Sabihin mo sa akin.” sigaw ni Julio. Hindi kayang patawarin ni Julio ang sarili ngayon lamang niya muli naramdaman ang pagmamahal sa asawa na nabahiran ng kataksilan. Hindi niya alam kung ano ang kanayang gagawin, nais niyang makasama ang asawa, nais niyang baguhin ang lahat, nais niyang humingi ng tawad kay Cecilia. Ang tanging naiisip lamang niya ay tuparin ang kanilang pangarap na magsama habang buhay. :::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::
|
.... | |
a.g.f. this blog is for my bestfriend! Kim's Best Friend. Elizabeth Seton High School. Basilan.Tagum.Maguindanao. 3rd Year High School. March 20, 1990. 15 yrs.old Kind. likes to eat,and read. |
|
Kim link link link link link |
|
July 2006 October 2006 November 2006 February 2007 March 2007 May 2007 |
|
|